Total gun ban sa Zambales ipinatupad na

IPINATUPAD na ng Commission on Elections (Comelec) ang total gun ban para sa gagawing special elections sa ikalawang distrito ng Zambales sa Pebrero 4.

Batay sa ipinalabas na desisyon ng Comelec, ipinagbabawal na ang pagdadala ng armas na nakamamatay habang umiiral ang gun ban.

Ang kampanya ay magsisimula sa Enero 19 hanggang Pebrero 2.

Inihayag na rin ng Comelec na maaaring maghain ng certificate of candidacy (COC) simula Enero 16 hanggang 18.

Kabilang sa mga inaasahang maghahain ng kandidatura ay ang kasalukuyang provincial administrator at anak ni Gov. Hermogenes Ebdane na si Omar Ebdane, at ang magiging mahigpit nitong katunggali na si Cherly Deloso, anak naman ng dating gobernador na si Amor Deloso.

Iluluklok sa Pebrero 4 ng mga residente ang magiging bago nilang kinatawan sa Kongreso makaraang pumanaw ni Rep. Antonio Diaz noong Agosto 2011.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply