Traffic advisory sa prusisyon ng Itim na Nazareno inilatag

ILANG lugar sa Quiapo, Maynila ang inaasahang magiging masikip ang trapiko bukas, na posible ring isara para sa ruta ng prusisyon ng Black Nazarene.

Mula Quirino Grandstand (Rizal Park), kanan sa Katigbak Drive patungong P. Burgos, kaliwa sa Taft Ave (P.Burgos) patungong McArthur Bridge, kanan sa Palanca, patungong ilalim ng Quezon Bridge, kaliwa sa Quezon Boulevard, kanan sa Arlegui, kanan sa Fratenal, kanan sa Vergara, kaliwa sa Duque de Alba, kaliwa sa Castillejos, kaliwa sa Farneclo, kaliwa sa Arlegui, kaliwa sa Nepomuceno, kaliwa sa Aguila, kanan sa Carcer, kanan sa Hidalgo patungong Plaza del Carmen, kaliwa sa Bilibid Viejo patungong Puyat, kaliwa sa Guzman, kanan sa Hidlago, kaliwa sa Barbosa, kanan sa Globo de Oro patungong ilalim ng Quezon Bridge, kanan sa Palanca, kanan sa Villalobos patungong Plaza Miranda pabalik ng Quiapo Chruch.

Ang ilan naman sa mga lugar na maaapektuhan ng prusisyon ay ang:

1. Kahabaan ng Roxas Boulevard/Bonifacio Drive mula Anda Circle hanggang T.M. Kalaw northbound at southbound lane
2. Southbound ng Quezon Boulevard mula Recto hanggang Palanca (subway-Isetan Recto)
3. Kahabaan ng Lerma mula P.Campa hanggang Quezon Boulevard
4. Taft Avenue/ Finance (westbound lane)
5. Lagusnilad / P.Burgos (westbound lane)
6. P.Burgos / Taft Ave (Freedom Triangle northbound lane)
7. Villegas / N.A Lopez
8. 25th Street / Bonifacio Drive (southbound)

Ang mga kalsadang isasara sa trapik:
– Alas 4:00 ng madaling-araw ng Lunes, January 9, isasara ang southbound lane ng Quezon Boulevard (Quiapo), mula Andalucia / Fugoso hanggang Plaza Miranda. Isasara din sa mga pampublikong sasakyan ang España / P.Campa / Lerma.
– Alas 5:00 ng madaling araw, ipatutupad na ang total Closure sa lahat ng uri ng sasakyan.

Re-Routing ng mga sasakyan:

1. Lahat ng sasakyang manggagaling sa Quezon City na gagamit ng España ay kakanan sa P.Campa, kaliwa sa Andalucia, kanan sa Fugoso, kaliwa sa T.Mapua hanggang sa destinasyon.

2.Lahat ng pampasaherong jeep at light vehicles na manggagaling sa España na patungong South Pier Zone ay kakanan sa Nicanor Reyes, kanan sa Recto diretso sa JAS, kaliwa sa Riena Regente, diretso sa Jones Bridge, kanan sa Magallanes Drive hanggang sa destinasyon.

3. Lahat ng sasakyang manggagaling sa Northern Part ng Maynila na balak gumamit ng Bonifacio Drive southbound ay dapat kumanan sa Roberto S. Oca St., kaliwa sa Delgado, kaliwa sa Bonifacio Drive (para sa mga tanggapan sa Port Area) o maaaring kumanan sa A. Soriano patungong Magallanes Drive, kanan sa P.Burgos, diretso sa Lagusnilad patungong Taft Avenue

4. Ang mga sasakyang manggagaling sa Southern Part ng Maynila na balak dumaan sa P.Burgos ay dapat kumanan sa T.M. Kalaw, kaliwa sa Taft Avenue, kanan sa Ayala patungong Ayala Bridge hanggang makarating sa destinasyon.

5. Ang mga pribadong sasakyan na manggagaling sa sa Southern Part ng Maynila na balak gumamit ng northbound ng Roxas Blvd ay dapat kumanan sa Quirino Avenue diretso sa Nagtahan Bridge patungo sa destinasyon nito.

6. Lahat ng pampasaherong jeep na may rutang Monumento-Gasak-Recto na balak gumamit ng Andalucia hanggang Recto ay dapat kumanan sa Fugoso, kanan sa Oroqueta hanggang makarating sa pinanggalingan.

7. Lahat ng sasakyang manggagaling sa Legarda ay dapat kumanan sa Recto o kaliwa ng Mendiola hanggang makarating sa destinasyon.

8. Lahat ng heavy vehicles/ cargo trucks na manggagaling sa South ay dapat gumamit ng Pres. Osmeña Highway, kanan sa Pres. Quirino hanggang Nagtahan via A.H. Lacson patungong Capulong (vise-versa).

9. Ang ibang motoristang balak pumunta sa North o South ng Maynila ay pinapayuhang dumaan sa A.H. Lacson patungong NAgtahan (vise-versa) o gamitin ang kahabaan ng Road 10 patungong Roxas Boulevard (vise-versa) hanggang makarating sa destinasyon.

10. Lahat ng bus na manggagaling sa Eastern part ng Maynila partikularl ang G-Liner/RRCG na dumadaan sa Legarda ay dapat kumanan sa Palanca St. patungong Quiapo Ilalim.

11. Ang mga bus na manggagaling sa Taft Avenue patungong Fairview ay dapat kumanan sa United Nations (UN) Avenue hanggang Otis, kaliwa sa Nagtahan diretso sa A.H. Lacson, kanan sa España patungo sa destinasyon.

12. Ang mga bus na manggagaling sa Southern part ng Maynila (Laguna at Cavite) na gumagamit ng Taft Avenue ay hindi papayagang makapasok doon mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon at papayagan lang hanggang Remedios Street kanan sa San Marcelino pabalik sa point of origin.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply