Trak na puno ng imported na isda nasabat sa Naga City

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang isang trak na puno ng mga imported na isda sa Barangay Mabolo, Naga city.

Ayon sa report, galing pa sa Taiwan at Estados Unidos ang 460 kahon ng mga isda ng tulingan, timon-timon at pusit na nasa kustodiya ngayon ng BFAR regional office.

Ang truck ay pag-aari ng isang Arturo Lara ng Naga City at dadalhin umano ang mga kahon ng isda sa Matacon, Polangui, Albay.

Nang sitahin, wala umanong naipakitang mga papeles si Lara sa mga awtoridad para sa ligal na importasyon ng mga nasabat na isda.

Ang operasyon ay pinangunahan ni Francis Ombao, chief ng Fisheries Regulatory Division ng BFAR-region 5.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply