Bahay sinalpok ng trak ng buhangin, 4 todas

APAT katao ang namatay kabilang ang dalawang mag-aaral, habang tatlong iba pa ang malubhang nasugatan nang sumalpok ang isang dump truck na may lulang buhangin sa isang bahay sa Surigao del Sur.

Sa ulat na isinumite sa Camp Crame, kinilala ni P/Supt Martin Gamba, tagapagsalita ng Caraga PNP ang mga biktima na sina Jerome Domingues, Roberto Gabe Jr., Cornelia Mocay at Sherly Acevedo.

Ang mga namatay na sina Domingues at Gabe Jr. ay kapwa third year high school students ng Jacinto P. Elpa High School sa Tandang City, kasama ng dalawa pa nilang schoolmates na kapwa naman sugatan na sina Joseph Ramirez at Julius Vellescas, nakiangkas lamang sa nasabing truck.

Nabatid  na ang berdeng dump truck (GNG-378) ay may kargang buhangin, sakay ang dalawang katao bukod pa sa driver at patungo sana sa city proper ng Tandang mula Barangay San Isidro, Tandang City, Surigao del Sur.

Sa imbestigasyon ay nawalan ng kontrol ang driver ng trak na kinilalang si Virgilio Bolonia Corlit, at nahagip ang isang tricycle bandang 4:00 ng hapon bago sumalpok sa isang bahay sa Cabiles Subdivision sa Barangay Telaje, Tandang City na nasa tabi lang ng national highway.

Hindi nasaktan ang driver ng truck maging ang driver ng tricycle na si Ryan Policarpio.

Bahagya namang nasugatan sina Ramirez at Vellescas, na nakaupo sa likod ng tsuper na sugatan din.

Dinala ang mga biktima sa Adela Serra Ty Memorial Medical Center.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply