Trak vs van: school principal tepok, 2 sundalo comatose

ISANG public school principal ang nasawi habang dalawang sundalo ang sugatan makaraang sumalpok ang isang army truck sa rumaragasang van sa Oriental Mindoro, madaling araw ng Huwebes, Enero 5.

Naganap ang aksidente sa Strong Republic Nautical Highway (SRNH) sa Brgy. Pakyas, Victoria, naturang lalawigan bandang 4:30 a.m na ikinasawi ni Maribel Castillo, principal sa isang public school sa bayan ng San Teodoro.

Papunta sana si Castillo kasama ang dalawang estudyante sa bayan ng Pinamalayan upang dumalo sa isang press conference ng mga provincial schools.

Ngunit hindi naman natagpuan sa naturang insidente ang mga naturang estudyante.

Nasa malubhang kondisyon naman ang dalawang sundalo na na-comatose at kasalukuyang nakaratay sa V. Luna Memorial Hospital matapos kuhanin ng military chopper.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply