Transport group tagumpay ang pakikipagpulong sa DOTC

NAGING matagumpay ang pakikipagpulong ng mga transport group para resolbahin ang suliranin kaugnay sa sunod-sunod na oil price hike na ipinatutupad ng kompanya ng langis.

Sinabi ni Pasang Masda President Obet Martin maayos na napag-upan at nagkaroon ng magandang resulta ang naganap na pagkikipagpulong ng transport group kay Department of Transportation and Communication (DOTC) Secretary Mar Roxas.

Ang pagpupulong ay may kaugnayan sa banta ng transport group na strike dahil na rin sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Martin, upang maibsan ang pasanin ng transport group, agad na ipinag-utos ni Roxas ang pagbili ng 20 lpg-engine, isuzu diesel at 20 e-jeep para na rin magamit ang alternative fuel ng bansa.

Ang mga nasabing sasakyan ay gagamiting bilang eksperimento at kung magiging epektibo ay saka lamang nila ito kakagatin.

Dahil dito, itinigil na ng Pasang Masda ang banta nilang welga at sa Martes (Enero 24) ay magkakaroon uli ng pagpupulong upang talakayin ang hirit nilang P0.50 na dagdag sa minimum fare. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply