Transport groups ayaw nang pumasada

DAHIL sa patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo at pagkalugi sa pamamasada, tumanggi nang bumiyahe ang mga driver sa buong Metro Manila.

Kaugnay nito, nanawagan ang ilang transport na intindihin ng pamahalaan ang hiling ng mga driver para sa inilalatag na fare hike.

Sa panawagan ni Pasang Masda President Obet Martin sa Malacañang, nais nitong pagbigyan ang kanilang hinihiling na fare increase dahil sa patuloy silang nalulugi sa serye ng pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.

Matatandaang sa loob lamang ng dalawang linggo makailang beses nang tumaas ang presyo ng langis na tumaas pa ng mahigit P2 kada litro.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply