Trapik sa Bourne Legacy

NAGSIMULA na kamakailan ang shooting ng Hollywood film na “Bourne Legacy” sa Maynila. Nitong nakaraang limang araw ay nakasentro ang shooting sa distrito ng Malate at San Andres. Sa mga susunod na linggo ay lilipat naman sila sa ibang lugar tulad ng Taguig, Marikina, at iba pa. Dahil dito ay nagpalabas ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng mga alternatibong daan sa mga piling kalsada ng dalawang distritong natukoy upang maiwasan ang trapik habang isinasagawa ang shooting.

Para sa akin ay kahit naman walang shooting ay sadyang masikip na sa mga lugar na iyan at sa Kalakhang Maynila. Kaya lang, sayang nga naman ang pagkakataong maisama ang ilang lugar ng Pilipinas sa isang tanyag na pelikula. Sa pagkakaalam ko ay ngayon ang huling araw ng shooting sa mga lugar na iyan.

Ito po ang mga alternative routes para sa araw na ito:

– Ang bahagi ng San Andres mula Quirino Avenue hanggang Leveriza St. ay sarado po mula mamayang alas-12 ng hatinggabi hanggang 6:00 ng umaga bukas. Sa mga oras na iyan kung papunta kayo ng Roxas Blvd. galing Quirino Avenue ay puwedeng kumanan sa Remedios, kaliwa sa Ma. Orosa, kanan sa San Andres.

– Sa mga motoristang dadaan sa Quirino Avenue galing South Super Highway at patungong Roxas Blvd. ay pinapayuhang kumanan sa Leon Guinto, kaliwa sa Remedios, kaliwa sa Ma. Orosa, kanan sa San Andres.

– Leveriza St. (mula Ilang-Ilang – Quirino Ave.) sarado mula alas-5 ng hapon hanggang alas-12 ng hatinggabi habang pabago-bago naman ang traffic control na ipapatupad sa bahagi ng Quirino Ave.( Taft. Avenue hanggang M. Adriatico)mula alas-12 ng hatinggabi hanggang  alas-5:00 ng umaga ng Martes.

-Westbound mula Taft Avenue –Roxas Blvd: kanan sa San Andres, kaliwa sa M. Adriatico, kanan sa Quirino Ave.

-Eastbound mula Roxas Blvd: kanan sa Adriatico, kaliwa sa Vito Cruz, kaliwa sa Taft Avenue.

Ang MMDA ay gagamit ng karagdagang traffic enforcers sa mga nasabing alternative routes. Sa pag-alis sa bansa ng mga naglalakihang mga artista tulad ni Rachel Weisz ay ibang LEGACY sana ang kanilang maalala o tumatak sa kanilang isipan tungkol sa ating inang bayan.

*****

Maraming Salamat sa Honda Cars Philippines sa kanilang thanksgiving dinner para sa media noong Martes. Ito ay pinangunahan ng kanilang pangulong si Tatsuya Natsume. Dito rin sa okasyong ito inilunsad ang bagong Honda City. Congratulations!

Congratulations rin sa Toyota Motors Philippines para sa kanilang all-new Avanza at Kay Mr. Willy Soong ng Land Rover Philippines para sa kanilang bagong produkto, ang Range Rover Evoque na pinarangalan sa Estados Unidos bilang 2011 North American Truck of the Year!

***

Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Martes at Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810khz AM. Inaanyayahan ko din kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa Kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 33 and G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t ibang mga cable operators nationwide. Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/InsideMotoring o di kaya’y magtext sa 0918-4479006. Salamat po!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply