Trial by publicity

AMBIGAT talaga ng mga naghahabol na masibak si Chief Justice Renato Corona para lang maging pogi sa boss nilang si Pangulong Benigno Simeon Aquino III. Sa sobrang gigil na makuha ang gusto, gumagawa na sila ng

sarili nilang proceeding and rules, kabilang na rito ang paglalantad ng mga ebidensiya umano na hawak nila laban sa Supreme Court Chief Justice.

Ang problema rito, mga Tsong, ang ginagawa nila ang posibleng gumiba sa diskarte nilang manalo. Bakit kanyo? Dahil sa kadadaldal nila ng mga hawak nila, binibigyan nila ng pagkakataon na sanggain ni Corona ang mga suntok nila at mag-deliver ng counter-punch.

Tulad na lamang ng 19 out of 19 decisions umano ni Corona pabor sa mga kaso ni GMA, may nagsabi sa Free Spits na yung 19 eh yung bilang lang ng mga kasong bumoto si Corona para kay GMA, marami raw ibang kaso na kumontra si Corona sa nais ni Arroyo.

Ang totoo nga umano ay 50-50 ang batting average ni Corona pagdating sa pagboto sa mga kasong may kinalaman si Gloria Arroyo at mga kamag-anak nito.

Meron pang mga tagong yaman daw si Corona na ka-sama ng expose laban sa kanya ng mga investigative journalist daw pero kita naman ang bias. Eh kaso niyo, mga boss, ka-sama na pala ito sa report ni Corona sa Senado bilang ebidensiya para sa nalalapit na impeachment hearing.

Sa sobrang daldal, ingay at arogante ng grupo ng mga Kongresistang pinamumunuan ni Neil Tupaz, malamang sa hindi ay matalo pa sila sa kaso nila. At sino ang susunod na pagbibintangan nila, yung mga Senador naman, dahil hindi umayon sa gusto nila.

Spoiled, arrogant, insensitive at walang galang sa proper pro-cedure ang ipinakikita ng  prosecuting panel na Congressmen sa mga pahayag at expose’ nila sa dyaryo. Obvious ba na sinimulan na nila ang “Trial By Publicity” laban kay Corona? Mga hepe, ginagamit lang ang taktikang ito pag ang tingin ninyo sa kaso ninyo ay mahina. Para pag natalo puwedeng sumigaw ng daya.

O sige, kinakampihan ko si Corona sa puntong ito. Kahit hindi ko gusto ang pagkakaupo niya sa posisyon, dito sa usaping ito panig ako sa kanya.

Bakit? Dahil ang isang mali ay hindi maaaring itama ng mas marami pang mali. At mga boss sa Kamara, sa tantiya ko, mula nang ma-convene ang impeachment court ng Senado, lahat ng ginagawa ninyo ay mali!

Puwera biro!

Email: ira_p@pldtdsl.net

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply