Trial kay Corona sasabayan ng court personnel

SASABAYAN ng iba’t ibang aktibidad sa Korte Suprema ang pagsisimula ng impeachment trial kay Chief Justice Renato Corona sa Senado sa Lunes, Enero 16.

Ayon kay Manila Regional Trial Court Judges Association president Antonio Eugenio, kabilang sa mga nakaplano nilang gawin ay ang pagsasagawa muna ng prayer rally sa umaga.

Sinabi pa ni Eugenio na magsusuot silang muli ng kulay itim na damit bilang pagpapakita ng protesta sa pagsikil sa hudikatura.

Kaugnay nito, sinabi ni Eugenio na para naman hindi sila muling maakusahan ng court holiday, hinimok nito ang mga  hukom at empleyado ng korte na lalahok sa aktibidad na mag-file ng half-day leave of absence.

Sa panig naman ng mga empleyado ng Korte Suprema, sinabi ni Jojo Guerrero, presidente ng supreme court employees association, na nakikipag-ugnayan na sila sa iba pang grupo ng mga empleyado ng iba’t ibang korte sa buong bansa para sa gagawing walk for democracy kung saan magmamartsa sila hanggang Senado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply