Tricycle driver pinagtataga sa inuman

KRITIKAL ang isang tricycle driver matapos pagtatagain ng kaaway habang nakikipag-inuman ito sa Caloocan City kagabi (Enero 6).

Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga taga sa katawan si Alexander Macayan, 40 ng Dagat-dagatan ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Christopher Mirabueno ng Kamada, Dagat-dagatan sa nasabing ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-10 ng gabi, nakikipag-inuman ang biktima sa mga kaibigan sa Pusit Alley, Dagat-dagatan nang dumating ang suspek at walang salitang pagtatagain si Macayan.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman sa JRMMC ang biktima.

Inaalam na ng mga pulis ang pinag-ugatan ng pananaga. Rene Manahan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply