Triple crown holder, Toyota Phils., inilunsad ang bagong Avanza

UMARANGKADANG muli ang Triple Crown holders ng car industry sa bansa, ang Toyota Motors Philippines sa paglunsad nila ng bagong Toyota Avanza.

Ang Toyota Avanza ay isang multi-purpose vehicle na idinisenyo ng Toyota para sa Southeast Asian market. De-kalidad at maraming mapaggagamitan, ngunit mabibili sa risonableng halaga.

Mula nang ipakilala sa Pilipinas ang Toyota Avanza noong 2006, marami ang tumangkilik sa modelong ito partikular na ang mga middle-sized families dahil sa sapat na espasyo at seating capacity nito; kulang-kulang walong tao ang kasya rito kasama na ang nagmamaneho.

Karamihan sa mga pagbabagong makikita sa  bagong Toyota Avanza ay sa disenyo nito. Ang aircon grille nito sa harapan ay mas pinalaki para sa mas maayos na daloy ng hangin, habang may color accents na rin sa dashboard nito. Ang mga kulay ay depende sa variant ng Avanza.

Dinagdagan rin ng kaunting arte ang front at rear grille nito na may chrome coating, at ang mga headlight nito ay tila hugis boomerang. Mas dumami na rin ang pagpipiliang kulay ng bagong Toyota Avanza at ito ay ang: silver mica metallic, dark steel mica, light blue metallic, gray metallic, champagne metallic at white.

Ang 2nd generation, 2012 Toyota Avanza ay may limang variants: 1.3 L J at 1. 3L E na parehong Manual Transmission, ang 1.3L E Automatic, ang 1.5L G Manual at ang premium model na 1.5L G Automatic.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply