Tripulante inatake sa loob ng Malaysian vessel

PATAY na nang matagpuan sa loob ng sinasakyang Malaysian vessel ang isang Indian national habang nakadaong ito sa South Harbor, Maynila.

Sa ipinarating na ulat kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson, Lt. Cmdr. Algier Ricafrente, nakilala ang bitkima na si chief cook SuabaanParumal Paramasivan.

Nabatid na sakay ang biktima sa MV Eco Vanquish na nakadaong sa South Harbor nang matagpuan ito ng kanyang kasama sa kanyang cabin kahapon (Enero 18).

Ibinaba sa barko ng mga elemento ng PCG ang biktima at dinala sa Funenaria Paz.

Ipinagbigay alam na rin ng awtoridad sa embahada ng India ang sinapit ng biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply