Trivia ukol sa Itim na Nazareno

NGAYONG araw na ito dagsa ang milyon-milyong deboto ng Itim na Nazareno sa prusisyon ng ‘traslacion’ o paglilipat ng imahe ng Poon mula sa Luneta sa Maynila pabalik sa Simbahan ng Quiapo.

Taun-taon na dinadaluhan ito ng mga deboto na naniniwala sa milagrong dala ng Itim na Nazareno sa kanilang buhay.

Samut saring kwento ang ating maririnig mula sa mga deboto ukol sa pagpapagaling sa kanilang mga karamdaman at dalang swerte sa kanilang mga buhay ng sinasambang Poon.

Naipi-feature pa nga ang ilan sa mga istorya ng mga deboto sa ilang programa sa telebisyon.

Pero alam ba ninyo na hindi naman talaga Pista ng Quiapo ang ipinagdiriwang tuwing ika-siyam ng Enero?

Ang ginugunita tuwing ika-siyam ng Enero ay ang “traslacion” o ang paglilipat ng Nazareno mula sa Intramuros patungong Quiapo Church.

Ang aktuwal na pista ng Quiapo ay ipinagdiriwang tuwing ika-24 ng Hunyo, sa pagpupugay kay St. John the Baptist, ang patron saint ng parokya.

Trivia sa Black Nazarene

1. Ang imahe ng Black Nazarene ay sinasabing milagrong nakaligtas sa ilang disaster gaya ng sunog at lindol.

2. Noong panahon ng World War II, ayon sa mga deboto, hindi nasira ang imahe kahit na sinunog ang Simbahan ng Quiapo sa “battle for the Liberation of Manila.”

3. Taong 1990s naman, ang kaliwang pisngi ng Black Nazarene ay napinsala dahil sa isang insidente ng pamamaril.

4. Ang orihinal na ulo ay nakakabit sa katawan na replika habang ang orihinal na katawan ay nakakabit sa replikang ulo. Ang imahe na may orihinal na ulo ang nakalagay sa may altar ng Quiapo Church. Ang may orihinal na katawan naman ay ang inilalabas tuwing Black Nazarene procession.

5. May mga nagsasabing may ilang Chinese women parishioners ang nagdo-donate ng kanilang buhok para maging materyales ng peluka ng Black Nazarene.

6. Alam nating lahat na si dating Vice President Noli de Castro ay isang deboto ng Black Nazarene.

7. Noong 2006, ibinenta ng Quiapo Church ang ilang religious items para sa pagdiriwang ng 400th anniversary ng pagdating ng “orihinal na imahe” sa bansa. Ang mga bumili ng items ay nakakuha ng raffle ticket, na ang grand prize, ay trip to Vatican.

8. Ang Itim na Nazareno raw ay pinaliliguan araw-araw. Ang buhok at katawan nito ay nahuhugasan at ina-anoint gamit ang rose oil.

9. Kada buwan, ang damit (wardrobe) ng Itim na Nazareno ay sinasagot ng mga deboto. Mapapansin na kada buwan ay bago ang damit nito. Dahil sa dami ng nagdo-donate ng wardrobe para sa Poon, ito ay hindi nagsusuot ng parehong damit sa loob ng dalawang taon.

Source: http://www.quiapochurch.dragweb.net/index.php

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply