TRO sa contempt charge vs abogado ni Abalos, inilabas ng CA

NAKAHANAP ng kakampi ang abogado ni dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos na si Atty. Brigido Dulay kaugnay sa inilabas na warrant of arrest ng Pasay City Regional Trial Court (RTC).

Ito ay matapos na mag-isyu ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Court of Appeals 13th Division laban sa warrant of arrest na inilabas ng Pasay RTC kaugnay sa kaniyang kinakaharap na contempt charges.

Batay sa resolusyon, sinabi na ang naging partisipasyon lamang ni Dulay sa insidente ay ang ipaalam kay Abalos ang paglapit ng dalawang emisaryo umano ni Pasay RTC Branch 112 Judges Jesus Mupas at wala silang nakikitang iligal dito

Matatandaang noong Disyembre 22, 2011 ay nagpalabas si Mupas ng kautusan laban kina Abalos at Dulay para ikulong at pagmultahin ang mga ito dahil sa malisyosong alegasyon sa hukom ng extortion. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply