Tropang Texters babawi sa Petron Boosters

MAG-AALA-FINALIST ng PBA Philippine Cup ang 7-game showdown ng defending champions Tropang Texters sa pagharap sa Petron Blaze Boosters sa simula ng kanilang salpukan ngayong gabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Pagkakataon na ngayon ng Talk ‘N Text na makabawi sa Petron Blaze na kanilang tinalo sa Philippine Cup Finals noong 2011. Bunga ito ng nakuhang sapat na pahinga ng mga may pinasalang players ni coach Chot Reyes tulad nina Jimmy Alapag, Jared Dillinger, Jason Castro, Ryan Reyes at ang mga forward na sina Ranidel de Ocamp at Aaron Aban.

Si forward Ali Peek ay posibleng makalaro na rin kasunod ng insidente ng barilan sa isang ensayo ng tropa kamakailan. Hindi naman nangangamba si Boosters coach Renato “Ato” Agustin sa kabila ng dehado sila sa laban resulta ng dalawang pagkatalo sa Talk ‘N Text sa elimination rounds.

“Mahalaga ang double effort sa aking mga malalaking player at dagdag na sipag sa transition defense dahil takbo ng takbo ang kalaban subalit ito ay napaghandaan na naming,” ayon kay Agustin.

Umusad sa semifinals ang second-ranked Talk ‘N Text matapos na sibakin ang sorpresang Barako Bull sa quarterfinals sa iskor na 81-79 habang inalisan ng linya ng Petron Blaze ang Meralco Bolts sa 2-0 best of 3 quarter series.

Muling magbibida sa Boosters ang double-double machine na si Arwind Santos na tutulungan nina Alex Cabagnot, Denok Miranda at ng Fil-Am rookie na nanggaling sa Smart Gilas na si Chris Lutz. Patutunayan ni Santos kung bakit siya tinawag na No. 1 contender sa Best Player of the Conference dahil sa kanyang double-double average na 18.3 points at 12.3 rebounds bawat laro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply