Tsinoy patay sa loob ng Chinese temple

PATAY na nang matagpuan ang isang hindi pa nakikilalang matandang Fil-Chinese national sa loob ng Chinese temple sa Tondo, Manila kanina.

Tinatayang nasa edad 70 hanggang 75 ang biktima, naka-itim na t-shirt; itim na pantalon at itim na tsinelas.

Base sa ulat na isinumite ni Det. Jupiter Tajonera kay P/Sr. Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 1:55 ng hapon, nang madiskubre ang bangkay ng matandang Tsinoy, habang nakaupo sa dasalan sa loob ng Sengguan Buddhist Temple na matatagpuan sa Narra St., malapit sa panulukan ng Padre Algue St., sa Tondo.

Nabatid sa isang Rosemarie Lim, administrator ng Temple na malimit aniyang kumakain sa kanila ang matanda kapag may feeding program.

Kiampong ang inihandang pagkain ng nasabing feeding program, at matapos mabusog ay umupo ang biktima sa tabi hanggang matagpuang wala nang buhay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply