Tubuhan sa Batangas gagamitin sa biogas

NAGKAISA ngayon ang Department of Agriculture (DA) at Department of Agrarian Reform (DAR) sa pagpapatupad ng “sugarcane block farm” project sa Tuy, Batangas.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso J. Alcala, nakipagtulungan na rin dito ang Sugar Regulatory Administration (SRA) upang makagawa ng sugar industry roadmap.

Layunin umano nilang mahikayat ang mga maliliit na sugar farmers na magtayo ng kooperatiba upang mapaunlad ang kanilang pagsasaka ng tubo.

Matatandaang sinabi ni Energy Secretary Jose Almendras na hindi maaapektuhan ng produksyon ng biogas ang sugar production sa bansa.

Ang biogas ay ang alternatibong gasolina sa sasakyan na mula sa tubo.

Gayunman, hindi umano nila maipagpatuloy ang paggawa ng maramihang biogas dahil maaapektuhan nito ang produksyon ng asukal.

Ang Pilipinas ang panguanhing exporter ng asukal sa Asia at pangatlo naman sa buong mundo.

Ngunit sa paggamit ng mga maliliit na sugar farmers at pagtuturo sa kanila ng tamang paraan sa pagtatanim, land preparation, fertilization at pag-aani — makatutulong umano sila sa biogas production.

Sa ganitong paraan umano ay makasisiguro ang mga sugar farmers na hindi sila malulugi dahil sa sigurado ang pagbebentahan ng kanilang ani.

Sisimulan ang sugarcane project sa may 927 ektaryang lupain sa Tuy, Batangas, kung saan sangkot ang 919 agrarian reform beneficiary (ARBs) na pag-aari ng apat na kooperatiba.

Ipatutupad din ito sa mga taniman ng tubo sa Lian.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply