Tulak tigbak sa pulis

TODAS ang isang hinihinalang tulak matapos na manlaban ito sa awtoridad habang dinadala sa police outpost sa Sta. Cruz, Maynila kaninang madaling araw.

Namatay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Richard Felicidario, 28 at residente ng 1323 Int., 14 Quiricada St., Tondo sanhi ng tama ng bala sa ulo mula sa baril ni PO2 Joseph Gutlay.

Sugatan naman si PO2 Jhenero Bautista, nakatalaga sa Manila Police District (MPD)-Station 2 sanhi ng tama ng bala sa puwit.

Inaresto naman si Jeanne Lorraine Balena, 25, live-in partner ni Felicidario dahil sa pakikipagkutsabahan sa huli.

Sa report ni SPO3 Bernardo Cayabyab ng MPD-homicide section, dakong 12:45 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa harapan ng JRMMC sa kanto ng Rizal Ave., at San Lazaro St., Sta Cruz, Manila.

Ayon sa imbestigasyon ni Cayabyab, kasalukuyang nagpapatrulya ang mga tauhan ng MPD-Station 3 kung saan sinita nila ang isang tricycle na minamaneho ng isang Romy Andrade dahil sa walang plaka at sakay ang mga suspek.

Nang hinihingan ng dokumento si Andrade ay napansin naman ni PO2 Jayson Garcia na nagte-text ang suspek at nang basahin ang mga text messages ay natuklasan ang mga transaksyon sa illegal na droga dahilan upang imbitahan ang mag-live in sa prisinto.

Habang naglalakad ang mga suspek patungo sa PCP outpost napuna ni Garcia na inabutan ng baril ni Balena ang kanyang live-in partner at nang tinangkang kunin ni Garcia ang baril na nagresulta sa pag-aagawan ng dalawa.

Tiyempo namang nagpapatrulya ang grupo ni SPO3 Rogelio Avellera, PO2 Jhenerio Bautista at PO2 Joseph Gutlay, pawang sa MPD-Station 3 at nakita ang komosyon subalit tiyempo namang pumutok ang baril at tinamaan sa puwit si Bautista.

Dahil dito, pinaputukan naman ni Gutlay si Felicidario na tinamaan sa ulo.

Tinangka pang isugod sa opsital si Felicidario habang pinipigil naman ang live-in partner nito.

Nabatid na may nakabinbing kasong droga sa korte ang suspek nang maberika ang records nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply