Tulong sa mga kapos dapat bantayan

MARAMI ang naaantig sa sinasapit ng mga isang kahig, isang tuka at sinasalanta ng mga kalamidad.

Pinakahuling balita ang pagbibigay ng San Miguel Corporation ng nasa P500 milyon ayuda sa hawsing pradyek na para sa mga nasalanta ng Sendong sa Cagayan de Oro at Iligan.

Nauna rito, nagbigay naman ang Ayala Group ng malaking halaga sa mga ni-relocate mula sa North Triangle, Quezon City patungo sa San Jose del Monte, Bulacan.

At dito natin ibigay kay Juan ang kay Juan at ang kay Maria ang kay Maria.

Kahit ano pa ang nagtulak halimbawa sa SMC at Ayala Group para magbigay.

Kudos sa inyo!

oOo

Kaya lamang, sumusulpot ang mga hindi magagandang balita sa mga ito.

Por eksampol ang mga nabanggit nating relocatee.

Alam ba ninyong pinuputakti ng reklamo ang ating diaryo sa pagkabalot umano ng anomalya ng pondong ibinigay ng Ayala Group?

Hindi nararamdaman ng mga relocatee ang mga pakinabang dito at sa paniniwala nila ay kinangkong ng mga Herodes at Hudas ang pondo! Ano ba yan!

Sa bahagi ng mga biktima ng Sendong, hindi kaya mauulit sa kanilang hanay ang dinaranas ng mga relocatee sa Bulacan?

PNoy, dapat bantayan ang mga proyektong ganito.

Ang daming buwayang naglipana para lapain ang mga biyaya na dapat sana’y para sa mga kapos at dinaratnan ng kamalasan.

Dito dapat gamitin ang latigo ng gobyerno para magtanda ang mga dapat na magtanda.

oOo

Kongrats nga pala sa bagong kasal na kasamahan natin dito sa peborit ninyong Remate.

Mantakin ninyo, habang nag-aaydo sina Thor Diaz at Gwen Salamida, kumikislot naman sa saya ang baby nila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply