Tupas umamin sa litrato nila ni PNoy na kumakalat sa internet

INAMIN ni House Lead Prosecutor Niel Tupas, Jr. ang litratong kumakalat sa internet kasama si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na kuha sa birthday ng apo ni Sen. Franklin Drilon nitong nakaraang Disyembre.

Ayon kay Tupas, hindi pa niya nakikita ang nasabing litrato ngunit natatandaan niyang ito ay nakuha sa mga unang araw ng Disyembre 2011 sa bahay ni Drilon kung saan nagdiwang ng kaarawan ang apo ng Senador.

Sa naturang litrato, makikitang may kargang batang babae si Pangulong Aquino habang si Tupas ay nasa likod.

Sinabi pa ni Tupas na hindi maikakaila na malapit siya kay Drilon dahil ang senador ay ninong sa kasal ng mambabatas at pareho rin silang Ilonggo.

Dagdag pa ni Tupas, sina PNoy at Drilon ay pareho niyang kapartido sa Liberal Party.

Ayon pa kay Tupas, hindi na niya nakausap si Drilon mula nang magsimula ang impeachment proceedings habang si Pangulong Aquino naman ay huli niyang nakasama sa selebrasyon ng anibersaryo ng Liberal Party noong Biyernes.

Paglalahad pa ni Tupas, nakipag-kamay siya sa Pangulo ngunit hindi nila napag-usapan ang impeachment case, ngunit maraming tao ang naglitrato sa kanilang magkatabi kaya hindi siya magugulat kung may lalabas pang litrato na magkasama sila ng Pangulo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply