Tupaz kakastiguhin ng impeachment court

POSIBLENG kastiguhin ng Impeachment Court si Iloilo Rep. Neil Tupaz sa hindi napapanahong paglalantad sa publiko ng ebidensiyang gagamitin laban kay Chief Justice Renato Corona.

Sa panayam, sinabi ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, kailangang maghanda si Topaz sa anomang mangyayari o ikikilos ng impeachment court sakaling magbukas ang sesyon ng Kongreso sa Enero 16, 2012.

“Tingnan ko muna on the basis of our Rules. Pero, ako rin naman ‘yung ako nag protesta, ako rin na contempt so ok lang yan. Risk na ‘yung sa prosecution kung silang ma-disiplina, basta handa lang sila to face the consequence of their acts,” ayon kay Pimentel.

Idinagdag pa ni Pimentel na kung may “abusive pattern” na ang ginagawa ng House prosecutors panel, kailangan nang disiplinahin si Tupaz kabilang ang senator-judges sakaling abusuhin ang kanilang kapangyarihan sa ilalim ng impeachment Rules.

Idinagdag pa ni Pimentel na nakatakda sa Impeachment Rules, kailangan iwasan ng sinuman, senator-judges o House panel prosecutor na magsalita hinggil sa kaso, at kung sakaling lalabagin ito, dapat nakahanda silang harapin ang anomang mangyayari.

Ipinaliwanag pa ni Pimentel na sakaling may kumuwestiyon sa parusang dapat ipataw sa grupo ni Tupaz alinsunod sa itinakda ng Rules of Impeachment, manghihiram ang Senado sa Rules of court at desisyon ng Korte Suprema hinggil sa pagdidisiplina.

Nakatakdang magbukas ng sesyon ng Kongreso sa Enero 16 upang simulan ang paglilitis kay Corona.

Nitong nakaraang linggo naman, inilantad ni Tupaz sa isang press conference ang kopya ng Certificate of Title ng isang condominium unit na hinihinalang binili ni Corona na hindi nakalista sa kanyang Statement of Assets and Liabilities Network (SALN).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply