Tupas, Lorica, Jacob pinarangalan sa karerahan

TINANGHAL bilang Horse-Trainer of the Year si Ruben Tupas ng grupong Philippine Race-Horse Trainers Association na pinamumunuan ni Kap Abong Guce nakaraan sa pista ng Sta. Ana Park sa Naic,Cavite.

Dahil sa mga ipinapanalong mga kabayo ay patuloy ang pamamayagpag ni Tupaz sa industriya ng karera bilang magaling na horse trainer.

Si Tupas ang may pinakamaraming nauwing premyo sa 2011 na karera kung saan ay may kabuuang P2,625,368 nakuhang premyo mula sa kanyang mga inalagaang kabayo – 132 ang nanalo, 145 ang segundo, 100 ang tersero, at 108 ang pumang-apat.

Samantala, si Nelson Lorica naman ang itinanghal na Winningest Trainer in Stakes Races habang si Gerry Jacob ang Longest Shot Trainer of the Year.

Pumatak na ika-22 sa palakihan ng premyo si Lorica na may naiuwing P777,477 sa 40 panalo, 20 segundo, 14 tersero, at 18 quarto.

Si Jacob naman ay nasa ika-44 puwesto na may kabuuang premyong P449,024 sa 23 panalo, 14 segundo, 20 tersero at 9 na quarto puwesto ng kanyang mga kabayo.

Sa kabayong Angel Eunice nakuha ni Jacob ang parangal nang manalo itong dehado.

Tumanggap ng P50,000 si Tupas dahil sa parangal habang tig-P20,000 ang naiuwi nina Lorica at Jacob. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply