Turistang Hapon inatake sa NAIA Terminal 3

ISANG turistang Hapon ang namatay sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 kahapon (Enero 22) matapos atekihin sa puso.

Si Hosokawa Mitsuo, 66, Japanese national ay nakatakda na sanang lumipad sakay ng Cebu Pacific flight 5J828 patungong Osaka, Japan nang dalhin ito sa NAIA Terminal 3 clinic.

Nauna rito, habang naghihintay umano ang biktima sa international departure lounge ay ininda nito ang paninikip ng kanyang dibdib at sinabihan ang airline staff na agad namang tumawag ng medical personnel upang bigyan ito ng medikasyon.

Agad na binigyan ng mga doktor ng cardio pulmonary resuscitation (CPR) at IV (intravenous) ang biktima at inilagay na rin ito sa Automated Emergency Defibrillator ngunit hindi na rin ito nailigats pa at idineklarang patay dakong alas-3:37 ng hapon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply