Tyron Perez inilibing na

INIHATID na sa huling hantungan ang aktor na si Tyron Perez sa kanyang hometown sa Concepcion, Tarlac, kaninang umaga, Enero 5.

Nabatid na dinaluhan ito ng kanyang mga kamag-anak at ilang malalapit na kaibigan sa showbiz na pawang mga naging emosyunal.

Matatandaang si Tyron ay napaulat na natagpuang patay sa backseat ng kanyang sasakyan sa may Valenzuela City, tatlong araw bago ang Bagong Taon.

Sa kasalukuyan, ipinauubaya na ng pamilya ni Tyron sa pulisya ang paghahanap ng hustisya sa pagkamatay nito dahil hindi sila naniniwalang nag-suicide ito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply