Uichico lumipat na sa MVP franchise

ANG multi-titled coach ng PBA na si Jong Uichico ay miyembro na ngayon ng coaching staff ng Manny V. Pangilinan basketball franchise na Meralco Bolts, kasunod ng pagkalas sa Barangay Ginebra noong nakaraang taon ayon sa mapagkakatiwalaang impormasyon.

Makakasama si Uichico ng elite group nina Ryan Gregorio, Boyet Fernandez, Patrick Fran at Ronnie Magsanoc subalit tila nais ni Gregorio na gawin siyang consultant ng koponan.

Nauna rito, maugong na napabalita na pangungunahan ni Uichico ang basketball operation ng Smart Gilas Team bukod sa iba pang tungkulin sa MVP Group sa larangan ng palakasan.

Si Uichico na makailang beses na humawak sa nagkampeong Barangay Ginebra ay inaasahang malaki ang maitutulong sa koponang Meralco Bolts para magabayan ang dati ng magaling na manlalaro nito. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply