Umawat sa away ng mag-asawa, utas sa taga

PARANG buko na tinaga sa ulo ang isang magsasaka nang makialam sa away ng isang mag-asawa sa Cotabato sa ulat na nakarating sa Camp Crame.

Sa ulat, patay na nang itakbo sa pagamutan ang biktima na si Benjie Laconse, 46, ng Barangay Liawanay, Banga.

Tumakas naman ang suspek na si Jay–Ar Aquino, 23, ng Barangay Antong, Lutayan Sultan Kudarat na target na ng manhunt operation ng pulisya.

Nabatid na naganap ang karahasan nang tagain sa ulo at balikat ng lasing na suspek ang biktima sa loob mismo ng kanilang pinagtatrabahuan sa Pacinabao Farm Park, Mawa, Barangay Lambontong, ng Surala South Cotabato.

Lumabas sa imbestigasyon na habang nag-aaway si Aquino at ang kanyang live in partner ay lumapit ang biktima para awatin sila.

Subalit sa galit ng suspek ay ito ang napagbalingan ng una at tinaga sa ulo at balikat bago tumakas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply