Unfeeling at walang keber sa pakiramdam ng iba itong si Maria Isabel Lopez

MAY naiwang sama ng loob si Chuckie Dreyfus kay Maria Isabel Lopez na nakasama niya sa mga castaways sa ‘Survivor’’ nung 2011.

“Sinabi ni Tita Maribel… yung time na bago siya na-vote off, sinabi niya na nilapitan siya ni Isabel [Granada], tapos sinabi niya na ‘Please don’t vote off Chuckie dahil nandito siya para sa mother niya.'”

“In my defense na lang po, kasi marami rin ang tumira sa akin sa Twitter, na sinasabi na ginagamit ko daw ang nanay ko dahil sa pagsali ko sa Survivor, para hindi ako ma-vote off. I never used my mother para makaabante sa game na ito.

“I never mentioned it, actually si Isabel ang nagbanggit niyan kay Tita Maribel. Napanood ko siya sa blow-by-blow mismo ng Survivor. ”

“Nung napanood ko na mismo sa TV sabi niya is ‘Ano ang pakialam ko kung may sakit ang nanay niya? Kung may kanser ang nanay niya?’”

“Hindi ako ipokrito, tao lang ako, nasaktan ako. Siguro she could have said it in a better way.

“Pinatawad ko na rin siya, nung pinanood ko I felt bad pero pinapatawad ko na rin siya. Pero siyempre kahit na patawarin mo ang isang tao, masasaktan ka pa rin dahil sa sinabi niya and right now I’m still hurting because that’s my mother.”

‘Yun na!

-0o0-

MAY word war ngayon sina Sina Direk Tikoy Aguiluz, at ang pinarangalan na Best Director ng “Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story” na si Darryl Dela Cruz. Ang sabi ni Tikoy sa panayam niya sa Bandila ay taga-sigaw lang daw ng “Cut” at “Action” sa megaphone at biglang naging direktor na.

Bakit nagmamaasim ngayon si Tikoy samantalang siya ang nag-request na tanggalin ang name niya sa pelikula, poster, trailer etc.?

“Tinawagan po ako ng producer, kung pwede raw ilagay ang pangalan ko dahil ayaw raw ni Direk Tikoy na ipalagay ang kanyang pangalan sa lahat pati na sa mga posters at trailer. Sino ba naman po ako para humindi sa isang magandang proyekto na kahit sino ay magiging proud?,” sey ni Darryl sa isang interview.

Pero ano talaga ang trabaho niya sa ‘Asiong Salonga’?

“Noong una po, Assistant Production Manager, naging 2nd Assistant Director. Kami na -man po sa Asiong, nagtutulungan, hindi kami nakakulong sa kung ano ang label na- min.

“Tama naman po siya. Siya po talaga ang direktor pero pinatanggal niya ang lahat ng pangalan niya at ipina-TRO (temporary restraining order) pa.

“Tinutulungan ko po siya sa trabaho niya at hindi naman masamang trabaho ang taga-sigaw ng ‘Cut’ at taga-hawak ng megaphone,” pahayag ni Darryl.

Na-hurt ba siya sa komento ni Tikoy?

“Opo, nasaktan po ako. Nainsulto. At hindi lang po ako ang ginanyan niya. Marami pa. Magaling po siya pero sana, tulad ng hinihingi niyang respeto, ibigay niya rin ito sa ibang tao ng Asiong, tulad ko. Marami siyang pinintasang tao na involved sa pelikulang ito, sana nirespeto niya rin kami. Pati nga po producer namin, hindi niya rin nirerespeto.”

‘Yun na!

-0o0-

ISANG malaking break na maituturing para sa Star Factor grand winner at Talent5 artist na si Eula Caballero ang mapabilang sa naglalakihang cast ng Metro Manila Film Festival 2011 entry ng Regal Films at Studio 5 na Yesterday, Today and Tomorrow. Bagamat wala pang isang taon sa showbiz, si Eula ay nabigyan na ng pagkakataong ipamalas ang kanyang natatanging husay sa pag-arte at makipagsabayan sa mga tinitingala at premyadong aktor ng pelikulang Filipino tulad na lamang ng nag-iisang Diamond Star na si Bb. Maricel Soriano.

Dahil din sa pelikulang ito, marami ang bumilib sa ipinakitang galing ni Eula lalo na pagdating sa drama sa pagganap niya bilang Eunice, ang nag-iisang anak nina Mariel (Maricel Soriano) at Gary (Gabby Concepcion) na uhaw sa pagkalinga at atensyon ng kanyang mga magulang.

Marami rin ang nagsabing nagampanan niyang mabuti ang kanyang karakter sa nasabing pelikula at ito’y nakaantig sa puso ng mga manonood at maging si Maricel Soriano mismo ay ganon na lamang ang papuri sa kanya.

Unti-unti na ngang naabot ng Kapatid star na si Eula Caballero ang tagumpay hindi lamang dahil sa mga nagdadatingang magagandang proyekto sa kanya kung hindi pati na rin sa mga natatanging pagkakataong nakakasama niya ang mga magagaling na artista ng bansa.

Marami pa ang dapat nating abangan kay Eula dahil marami pang roles ang nais niyang subukang gampanan. Abangan din kung sinu-sinong tinitingalang artista ang maaari niyang makasama ngayong 2012.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply