Unremitted contributions ng ARMM sa GSIS umabot sa P1.9B

UMABOT na sa P1.9 billion ang natuklasang hindi naire-remit na contributions ng Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Government Service Insurance System (GSIS)

Sinabi ni Officer In-Charge (OIC) Governor Mujiv Hataman. na ito ay pinalaki ng interest na matagal ng hindi nababayarang kontribusyon simula pa noong 1997.

Pumasok noon sa isang memorandum of agreement ang ARMM sa GSIS tungkol sa sistema ng pagbabayad ng remittances subalit nagkaroon pa rin ng problema.

Bukod sa Deparment of Education (DepEd)-ARMM ay may ilan ding ahensya doon ang nagkaroon ng problema sa kanilang contributions.

Matagal ng nagrereklamo ang mga kawani ng ARMM dahil suspendido ang kanilang loan sa GSIS dahil sa problema sa remittances.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply