Untouchable smuggler ng Port of Clark

ANG talamak na smuggling activities sa Port of Clark, Pampanga hanggang ngayon ay hindi pa rin napatitigil ng kahit sinong nakaupong commissioner ng Bureau of Customs (BOC).

Isang alyas Cris Magat ang nagmamaniobra ng smuggling operation sa nasabing pantalan.

Ang mga kargamento gaya ng high end electronics at modernong mga cellphone ang siyang ini-ismagel ni Cris Magat.

Ibang klaseng smuggler itong si Magat dahil hindi  mapatigil ang kanyang iligal na aktibidad sa Port of Clark dahil ultimo mula sa janitor  sa  pantalan ay naka-tongpats.

Ang mga kargamento ni Cris Magat ay ikinakarga niya sa Cebu Pacific at UPS.

Matagal nang hindi nagbabayad ng tax si Magat dahil puro swing ang ginagawa.

Ito ang dapat na pinababantayan ni Customs Dep-Com for Intelligence chief Danny Lim sa kanyang mga matitinik na tauhan.

O baka naman puro tinik lang ang mga ‘bata’ ni Dep-Com Lim kaya wala itong mahuli-huling mga smuggler sa mga pantalan.

MALAKI ANG TONG-COLLECTION

HINDI mapatigil ng liderato ni Cavite Provincial Regional Office Director  Supt. John Bulalacao ang nagkalat na mga pasugalan sa Cavite.

Sa kabila ng mahigpit na kampanyang ipinatutupad ng Philippine National Police (PNP) ay parang mga kabute na nakakalat sa buong bayan at barangay sa lalawigan ang sangkatutak na iligal na pasugalan.

Ang area of operation ng lotteng ni Kapitan Randy ay sa Cavite City, Rosario, Noveleta, Kawit at  Imus, Cavite.

Hindi mapatigil ang operasyon ng lotteng ni Kapitan dahil sa malaki ang intelihensya na koleksyon na kinokolekta ng bagman niyang si Marlon Garcia.

Totoo ba ito, Colonel Bulalacao?

oOo

Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog @yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply