UPDATE: 2 nawawalang mangingisda natagpuan na– PCG

NATAGPUAN na ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang mangingisdang unang naiulat na nawawala sakay ng motorbanca sa Camarines Norte.

Ayon kay Coast Guard Spokeperson Lt. Cmdr. Algier Ricafrente, napadpad sa baybayin ng Barangay Malubagu, Rapu-rapu, Albay sina Raymond Pornellos at isang alyas Nestor.

Nabatid na Enero 6 pa nang maglayag ang dalawa ngunit naubusan ang mga ito ng gasolina dahilan upang hindi sila makarating sa kanilang destinasyon sa Aroroy, Masbate mula sa Daet, Camarines Norte.

Kasalukuyan nang nasa pangangalaga ng kapitan ng barangay sa Rapu-rapu sina Pornellos at Nestor na nabatid na nasa mabuting kondisyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply