UPDATE: 4 katao na utas sa bomba sa Bicutan, Taguig

UMAKYAT na sa apat katao ang namatay matapos masabugan ng vintage bomb sa Lower Bicutan, Taguig, kanina.

Maliban sa mga namatay na biktima, tatlong iba pa ang nasugatan.

Samantala, ipinag-utos na ng Pangulong Benigno Aquino III ang pagpapahigpit ng seguridad dahil posibleng pananabotahe ng mga terorista, kasunod ng pagsabog naman sa Makati City nitong Lunes.

“I have ordered our security forces to increase what we call as hardening aspects in urban, potential areas, which could be targets of those who want to sow terror,” ayon sa Pangulo.

Inatasan din ng Pangulo ang Philippine National Police na paigtingin ang police visibility at pagpatrolya sa mga lansangam.

Sa ngayon ay inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa pagpapasabog at kung sino ang nasa likod nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply