Update: 555 kilo ng ‘hot meat’ nakumpiska ng NMIS

TINATAYANG umabot sa 555 kilo ng mga frozen at “botchang” karne ang sinamsam ng mga tauhan ng National Meat Inspection Service sa magkahiwalay na operasyon sa Balintawak Market sa Quezon City at Marikina public market sa Marikina City.

Ayon kay Romeo Gaco, team leader ng Task Force Bantay Karne (TFBK) ng (NMIS) unang sinalakay ng kanyang grupo ang Balintawak market kung saan nakumpiska nila ang 385 kilo ng frozen meat.

Ibig sabihin aniya, may kaukulang dokumento ang mga karneng baboy at manok subalit “mishandled” naman ang mga ito dahil sa walang freezer ang mga nagtitinda.

Nangangamba aniya ang (NMIS) na makontamina ang karne na maaaring magdulot ng sakit sa mga mamimili.

Sumunod namang sinalakay ng NMIS ang Marikina public market kung saan nakumpiska ang 170 kilo ng live chicken hotmeat.

Ayon kay Gaco, maayos at hindi botcha ang mga karne subalit wala naman itong kaukulang dokumento.

Dinala din ng mga tauhan ng (NMIS) sa kanilang tanggapan ang nagtitinda ng karne na si Lorena Lugo para pagpaliwanagin.

Ayon kay Gaco, dadalhin nila ang mga nakumpiskang karne sa disposal unit ng (NMIS) sa Quezon City para sunugin.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply