UPDATE: Anim NPA na patay sa pagsalakay

PATULOY ang ginagawang hot pursuit operation laban sa pangkat ng New Peoples Army na sumalakay sa isang military detachment kung saan anim sa kanilang pangkat ang napatay sa sagupaan sa Mawab Compostella Valley sa ulat ng Philippine Army.

Ayon kay Army Major Harold Cabunoc, tagapagsalita ng Hukbong Katihan ng Pilipinas, anim NPA ang napatay ng mga tauhan ni Colonel Roberto Domines, Commander ng 1001st Brigade of the Philippine Army bandang 3:00 ng hapon sa nasabing bayan.

Nabatid na isang pulutong ng Army 66th Infantry Battalion ang nagsasagawa ng security operations sa area nang biglang lumantad ang may 30 rebelde sakay ng civilian dumping truck sabay paulan ng bala sa posisyon ng mga sundalo.

Nabatid pa na tinangka pang pasabugan ng mga rebelde ang perimeter fences ng military detachment.

Napilitan lamang umatras ang mga kalaban ng dumating ang re-enforcement mula sa army 66th Infantry Battalion sa pamumuno ni Lt. Col Antonino Florendo na backed up ang ilang armored vehicles.

Kahit out numbered ay nakapatay ang militar ng anim sa kanilang kalaban at nakasamsam ng 5 high-powered firearms kabilang na ang dalawang M16 armalite rifles at truck.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply