Update: Cafgu vs NPA sa Agusan: 2 patay, mag-aamang sibilyan sugatan

NASAWI ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) at isang Cafgu habang sugatan ang isa pang Cafgu member kasama ang tatlong magkakapatid na sibilyan at kanilang ama sa engkuwentro kaninang alas-4:00 ng madaling araw sa may Purok 2, Brgy. San Antonio, RTR, Agusan del Norte.

Nabatid na tumagal nang apat na oras ang sagupaan sa pagitan ng tropa ng sundalo at mga rebeldeng kung saan nilusob ang Cafgu detachment sa nasabing lugar.

Kinilala ang namatay na Cafgu member sa alyas Rara kung saan basag ang mukha nito habang hindi pa kilala ang narekober na bangkay ng rebelde.

Habang nakilala naman ang mga sugatang magkakapatid na sina Raymark Cablay, 18; Jessabel Cablay, 14; at Jan Marie Cablay, 13; kasama ang kanilang 80-anyos na amang si Fortunato na 10-metros lang ang layo ng tirahan mula sa kampo.

Pawang nagtamo ng mga sugat sa ulo, likod, paa at iba pang bahagi ng katawan.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply