DBM kay Sen. Bong: ‘Sorry sa maling info’

HUMINGI na ng paumanin ang Department of Budget and Management (DBM) kay Sen. Ramon “Bong” Revilla matapos magkamali ang entry sa kanilang website hinggil sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o “pork barrel” allocation ng mambabatas.

Ayon kay Budget Sec. Butch Abad, nagkaroon ng “technical glitch” sa pag-upload ng data, kaya sa halip na P110 million, ay naitala sa P210 million ang natanggap na pork barrel ni Revilla.

Sinusuri na rin ng DBM ang iba pang entries sa kanilang website para masigurong hindi na maulit ang nasabing pagkakamali at matiyak na accurate ang inilagay na mga figures.

Una rito, umalma si Revilla sa mali-maling datos na inilabas ng DBM.

“The DBM must clear this. It’s not right that it appears my PDAF was grossly disproportional to those of my colleagues. They should also correct it because the report implied that my PDAF was padded by P110 million. They should be careful with releasing facts. Inaccuracy on sensitive information can damage people,” ani Revilla.

Samantala, kinumpirma naman ni Abad na natanggap na ng karamihan sa mga senador ang kanilang pork barrel, maliban kina Sen. Joker Arroyo at Sen. Panfilo Lacson, na hindi naghain ng request para sa nabanggit na pondo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply