UPDATE: Demolisyon sa San Juan City, 33 na sugatan

UMAKYAT na sa 33 ang sugatan sa isinagawang demolisyon sa San Juan City na sinimulan ng awtoridad kaninang umaga.

Nabatid na pito rito ay mga pulis, dalawa ay kagawad ng Bureau of Fire Protection (BFP) habang karamihan ay mga miyembro ng demolition group.

Apat na residente rin ang naitalang nasugatan na ginagamot pa sa Red Cross San Juan Chapter.

Bago pa man makapasok ang demolition team sa lugar, nagpaulan na ng bato at bote ang mga residente na sinamahan pa ng pillbox.

Gumanti ang demolition team na pawang naka-full battle gear sa pamamagitan ng pagbomba ng tubig sa mga residente.

Nagawa namang mapasok ng demolition team at anti-riot police ang lugar at natuloy ang demolisyon habang pinagdadampot ang mga residenteng nasa likod ng kaguluhan.

Sa ngayon, inihahanda na ng San Juan City Police ang kaso laban sa 13 nanguna sa panggugulo sa demolisyon.

Kabilang sa mga posibleng isampa sa kanila ay ang physical injuries, illegal assembly at obstruction of justice.

Kaugnay nito, bukod sa relocation site na alok sa mga lugar ng Calauan, Laguna; Taytay, Rizal at Rodriquez, Rizal, tatanggap din ng P10,000 cash, kalahating sako ng bigas at libreng transportasyon kasama na ang tracking para sa mga kagamitan ng mga bibiyahe patungo sa mga relocation site.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply