UPDATE: Mga sugatan sa ‘traslacion’ ng Itim na Nazareno 1,000 na

UMAKYAT na sa halos 1,000 ang naitalang nasaktan at nasugatan sa ‘traslacion’ ng Black Nazarene.

Sa pinakahuling ulat ng Philippine Red Cross (PRC) alas-11:00 Lunes ng gabi, nakaresponde na ito sa 424 na deboto habang may mahigit 500 pang naitala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at iba pang rescue at first aid units.

Bunsod na rin ito ng kaguluhang nalikha ng pagsisiksikan at balyahan ng milyon-milyong deboto.

Bukod sa nangyaring stampede sa Quirino Grandstand bago pa man mag-umpisang umusad ang prusisyon kahapon ng umaga, ay may mga nahilo at nahimatay din sa kasagsagan ng prusisyon na binigyan ng paunang lunas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply