UPDATE: Nasirang pipeline sa Las Piñas kukumpunihin ng Maynilad

KUKUMPUNIHIN ng Maynilad ang nasirang pipeline sa may Alabang-Zapote, malapit sa kanto ng Castillo sa Las Piñas City.

Pasado alas-2:00 ng madaling-araw nang magmistulang water fountain ang tumagas na pipeline.

Humihingi naman ng paumanhin ang Maynilad sa mga maaapektuhang residente dahil kailangang patayin ang linya ng tubig upang mapatuyo at mahukay ang tubo para matunton ang tagas na kanilang aayusin.

Dakong alas-5:00 kaninang madaling-araw, nawalan na ng tubig sa upper portion ng M. Alvarez at upper portion ng CAA habang humina ang pressure at posibleng mawalan ng tubig sa upper portion ng Balaraw, upper portion ng Angela, bahagi ng BF Resort, upper portion ng Mother Earth at upper portion ng EMA Palico.

Sa mga oras na ito, hindi pa masiguro ng Maynilad kung anong oras maibabalik ang suplay ng tubig.

Gayunman, anim na tankers ng Maynilad ang magsusuplay ng tubig sa mga apektadong residente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply