UPDATE: Oil spill sa Lingayen natunaw na

WALA nang dapat na ipangamba ang mga residente sa Barangay Malempec sa Bayan ng Lingayen, Pangasinan, matapos na magkakaron ng oil spill dahil sa pagsadsad ng isang life craft vessel.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nakapagsagawa na ng inspeksyon ang PCG-Pangasinan at nabatid na hindi nagkaroon ng butas o anumang pinsala na maaaring magdulot ng oil spill mula sa sasakyang pandagat.

Napag-alaman na 24 oras binantayan ng PCG ang naturang vessel upang matiyak na hindi ito magdudulot ng kapahamakan sa lugar.

Ililipat sana sa isang foreign vessel patungo sa China ang makukuhang black sand sa lugar ngunit hindi na natuloy ang pagkarga dahil sa nangyaring insidente.

Samantala, sinabi naman ng PCG, hindi pa nila natatanggal ang laman ng sumadsad na foreign vessel sa karagatang sakop ng Barangay Macabubuni sa Bayan ng Agno sa nasabing lalawigan.

Upang hindi aniya makapaminsala ang lamang chemical ng barko sa yamang tubig ay tinakpan nila ang mga butas ng barko upang wala itong lalagusan.

Natanggal na rin nila ang lahat ng langis sa sasakyang pandagat na una nilang ginawa bago pa man makapagdulot ng pinsala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply