UPDATE: Sugatan sa Pista ng Quiapo 600 na

UMAKYAT na sa 600 ang naitalang nasugatan sa prusisyon ng Black Nazarene.

Kanina ay naitala lamang ang 157 na sugatan ng Philippine Red Cross (PRC), habang mahigit 500 naman na naitala ang iba’t ibang rescue units at volunteers.

Ang nasabing mga sugatan na deboto ay bunsod na rin ng kaguluhan dahil sa siksikan at tulakan ng milyon-milyong namamanata.

Kaninang umaga ay nagkaroon na ng stampede sa Quirino Granstand at may ilang nahilo at nahimatay din sa kasagsagan ng prusisyon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply