Update: Sugatan sa prusisyon ng Nazareno 161 na

NASA 161 katao ang naiulat na nasugatan, kabilang na ang mga nahilo sa prusisyon ng Black Nazarene sa Maynila ngayong araw.

Ayon kay Philippine Red Cross (PRC) secretary-general Gwen Pang, ang nasabing bilang ay naitala ngayong alas-2:00 ng hapon at inasaahan pang madaragdagan ito dahil malayu-layo pa ang tatahakin ng mga deboto bago maihatid ang imahe ng Poong Nazareno sa Simbahan ng Quiapo.

Nananatiling nakaantabay ang 350 staff at volunteers ng PRC upang magbigay ng paunang lunas sa mga nasaktan.

Nakaantabay din ang halos 50 ambulansiya, rescue vehicles at rescue boat sa Pasig River.

Mahigpit pa rin ang ipinatutupad na seguridad ng libu-libong pulis na ipinakalat para sa kapanakanan ng mga deboto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply