UPDATE: Suspek sa Tondo massacre sumuko na

SUMUKO na sa awtoridad ang suspek sa masaker sa Tondo kung saan pinagbabaril ang kanyang sariling asawa, biyenan at hipag.

Nasa kustodiya na ngayon ng Manila Police District (MPD) Station 2 si Ronald Cruz na umaming bumaril sa kanyang asawa na si Gina Cruz, 60; biyenan na si Cenencia Valencia at hipag na si Loreta Venturina gamit ang isang 9mm na baril.

Kinumpirma ng suspek na naging mitsa ng kanyang pamamaril ang pagtanggi ng kanyang asawa na bigyan siya ng pulutan dahil abala ito sa pagko-computer.

Dagdag pa ni Cruz, marami na silang problema ng kaniyang asawa nitong nakalipas na taon at sinabi pang lagi siyang pinapahiya.

Hindi rin daw niya nagustuhan ang hindi pagkonsulta sa kaniya ng kaniyang asawa sa plano nitong mag-abroad at maging tagalinis sa Middle East na sinuportahan pa ng kanyang biyenan at mga kapamilya ng kaniyang misis.

Ayon pa kay Cruz, ayaw niyang mapunta sa kustodiya ng pamilya ng kaniyang asawa ng tatlo nilang anak habang kinakaharap ang kaso laban sa kaniya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply