UPDATE: Todas sa landslide 18, 40 pa missing

IPINAHAYAG ng lokal na pamahalaan ng Compostela Valley na 18 at hindi mas mataas katulad sa unang napaulat na naitalang casualties sa naganap na landslide sa Napnapan, Pantukan, Compostela Valley province.

Sinabi ni Compostela Valley Gov. Arturo Uy ngayon lamang na 18 katao ang kumpirmadong napatay sa pagguho ng lupa, taliwas sa unang napaulat na higit 100, habang higit 40 naman ang natabunan ng landslide na itinuturing na missing.

Patuloy naman ang search at retrieval operation ng awtoridad sa lugar na pinangungunahan ng 701st Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army.

Napag-alaman na isa sa pinaniniwalaang dahilan ng pagguho ng lupa sa lugar ay bunsod ng pagmimina sa Diat Uno at Diat Dos.

Malaki rin aniya ang posibilidad sa nangyaring landslide ang pagtama ng magnitude 3 na lindol sa Davao Oriental kaninang hatinggabi na malapit lamang sa ComVal province.

Pero ayon sa pulisya, hindi naman nakaranas ng pag-ulan ang kanilang probinsya at marahil ay ang leak sa nasabing lugar ang naging sanhi ng landslide.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply