Urban renewal sa Maynila sisimulan ngayong 2012

HANDA nang ilunsad ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang mga proyekto nito na may kaugnayan sa urban renewal plan upang mabigyan ng bagong anyo ang siyudad sa pamamagitan ng Manila Bay development at inner city regeneration projects.

Ayon kay Manila Mayor Alfredo S. Lim, nagsimula ang paghahanda sa mga proyektong ito nitong huling bahagi pa lamang ng 2011 subalit ang conceptualization nito ay matagal nang nasa planning stage.

Nabatid na inatasan ni Lim si City Engineer Armand Andres, upang magsagawa ng mga pag-aaral at lumikha ng blueprint para alamin kung paano maisasakatuparan ang planong urban renewal ng Maynila.

Nabatid na noon pa ay may binabalangkas ng plano si Lim sa ilalim ng Comprehensive City of Manila Development Plan kung saan kasama sana rito ang pagtatayo ng subways sa halip na mga LRT at MRTs na nakikitang tugon sa lumalalang suliranin sa trapiko.

Kahit na sinasang-ayunan ng mga nakaraang administrasyon, ay hindi ito natutuloy dahil sa isyu ng pulitika kung saan nasa oposisyon side ang city government at dahil na rin sa malaki ang guguguling badyet sa pagsasakatuparan nito.

Napag-alaman na pinasisimulan na ni Andres ang paglikha ng mga disenyo kung paano babaguhin ang mukha ng Maynila na magsisimula sa Manila Bay area na gagapang patungong South at North of Manila Bay at kabilang dito ang pagtatayo ng isang promenades wharf kapalit ng nawasak na baywalk sa Manila Bay.

Katunayan pa umano nito ay may mga isinumite ng proposed structural and architectural design ang tanggapan ni Andress kay Lim na noon pa man ay hinahanapan na ng kaukulang pondo upang mapasimulan sana ngayong taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply