US$2M hirit sa dinukot na Aussie national

HUMIHIRIT ang pinaghihinalaang Moro extremist sa Pilipinas ng U$2 milyong ransom kapalit ng kalayaan ng kanilang dinukot na Australian national.

Ito ang ipinaabot na mensahe ng biktimang si Warren Rodwell sa isang video release kaninang umaga habang ito ay nagmamakaawa para sa kanyang buhay.

Si Rodwell, na dinukot mismo sa kanyang bahay sa southern town ng Ipil noong Disyembre 5 ay hinihikayat ang awtoridad na gawin ang lahat ng kanilang makakayanan para siya ay makalaya.

“To my family, please do whatever to raise the two million US dollars they are asking for my release as soon as possible,” pahayag ng 53-anyos na dating sundalo sa isang video na nakuha ng Sydney Morning Herald.

“To the Australian Embassy here in the Philippines, this is your constituent appealing for his life, his safety. Please help facilitate.

“I was [a] former army of my country but it’s different here, particularly the terrain. The only solution to ensure my safety is to go with whatever they need.

“If I’m given my last wish, my last wish is to please help me out of here alive, please Madam ambassador,” dagdag pa nito sa isang broadcast na tumagal lamang ng halos dalawang minuto.

Sinabi ng The Herald na ang video ay ipinadala ng mga kidnapper sa misis ni Rodwell na si Miraflor Gutang, isang Filipina bago ang Kapaskuhan.

Nitong nakaraang Miyerkules lamang, sinabi ni Major General Noel Coballes, ang local army commander sa Ipil, na nagtangkang lumaban ni Rodwell pero nasaktan nang dukutin siya sa kanyang bahay kung saan kasama niyang naninirahan si Gutang.

Sinabi pa ng naturang pahayagan na may apat na litrato si Rodwell na nagpapakita na ito ay may sugat sa kanang kamay habang ang kaliwa naman ay nakaposas.

Sinasabi na kuha ang apat na larawan noong Disyembre 12, pero hindi naman nabanggit kung ano ngayon ang kondisyon ni Rodwell.

Kutob ni Coballes na posibleng hawak si Rodwell ng Abu Sayyaf Group, isang extremist group na itinatag noong 1990 na ang pondo ay mula sa al-Qaeda.

Isinisisi sa grupo ang worst terror attacks sa kasaysayan ng Pilipinas at kilala sa pagdukot sa mga banyaga at Kristiyano na may kalapit na ransom money.

Nagkasa naman agad ang Australian government ng isang task force para sa negosasyon hinggil sa pagalaya ni Rodwell habang ang Philippine government anti-kidnapping unit ay tinatangkang kontakin ang grupong humahawak dito, dagdag ni Coballes. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply