US$5,000 gagastusin sa repatriation ng bawat OFW sa Syria

HALOS US$5,000 ang gagastusin ng pamahalaan sa paglilikas ng bawat overseas Filipino worker (OFW) na nasa Syria.

Ipambabayad sa mga employer ng mga Pinoy ang malaking porsiyento ng ibabayad ng pamahalaan bilang penalty sa paglabag nila sa kanilang kontrata.

Tinatayang nasa 4,500 mga OFW pa ang naiipit sa kaguluhan sa Syria, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA). Ngunit sinabi ng ahensya at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), na nasa 200 OFW pa lamang ang nagpapahayag ng kagustuhang makauwi na sa Pilipinas.

Gayunman, sinuguro ng DFA na patuloy ang kanilang pakikipagkoordina sa gobyerno ng Syria upang mapabilis ang paglilikas sa mga Pinoy doon.

Ang mandatory repatriation ay ipinatupad sa mga OFW sa Syria matapos na itaas sa alert level 4 doon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply