Van sumalpok, 5 patay

DEAD-ON-THE-SPOT ang limang katao makaraang sumalpok ang isang van sa nasiraang sasakyan sa lalawigan ng Compostela Valley kaninang madaling araw.

Nabatid na humaharurot sa pagtakbo ang Hi-Ace van mula sa lungsod ng Butuan at papuntang Davao lulan ang 17 sakay nito nang maganap ang aksidente.

Pagdating sa bayan ng Montevista sa nasabing lalawigan, hindi umano namalayan ng driver ang nasiraang sasakyan sa daan na gumamit lamang ng reserbang gulong bilang early warning device.

Hindi na nakapagpreno pa ang driver ng van, na ang patunay ay walang skid mark sa daan. Sinabi ng mga nag-iimbestiga na posibleng napakabilis pa rin ng takbo ng van nang sumalpok ito sa nakahintong sasakyan.

Nabatid pa na marami rin ang nasugatan, karamihan ay nasa malubhang kalagayan, at kasalukuyan ginagamot sa Davao Regional Hospital sa Tagum City.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply