Van vs bus: 1 patay, 4 sugatan sa Camarines Norte

ISA ang nasawi at apat ang nasugatan makaraang magsalpukan ang isang closed-van at Superline Bus sa Maharlika Highway, Barangay Iberica, Labo, Camarines Norte.

Nasawi ang drayber ng closed-van na kinilalang si Edgar Mitra, 38, ng Taguan, Candelaria, Quezon matapos magtamo nang matinding sugat sa ulo at durog ang mga binti bunsod ng pagkaipit sa sasakyan.

Tatlo pang pasahero ng Superlines at pahinante ng van ang dinala rin sa ospital dahil sa mga tinamong sugat ng mga ito.

Base sa imbestigasyon, parehong nag-overtake ang closed-van at ang Superline Bus na may body number 736 kaya nagkabanggaan sa Maharlika Highway.

Sumuko naman ang drayber ng bus na si Manuel Asilo de Chavez.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply