Villar, Trillanes hindi umabsent sa impeachment

NILINAW ng media staff ng dalawang senador na hindi tinatamad ang kani-kanilang boss sa pagdalo sa ikatlong araw ng impeachment proceedings laban kay Chief Justice Renato Corona at  hindi rin absent ang mga ito kahapon, sa pagpapatuloy ng paglilitis sa punong mahistrado gaya ng unang napaulat.

Ayon sa media staff nina Sen. Manuel Villar at Sen. Antonio Trillanes IV, hindi absent ang kani-kanilang boss kundi late lamang ng ilang minuto matapos ang pormal na pagsisimula ng pagdinig ganap na alas 2:06 ng hapon.

Kinumpirma naman ng Journal Service sa Senado na siyang kumukuha ng attendance ng mga senador sa tuwing may sesyon, na dumalo sa isinagawang proceedings sina Villar at Trillanes nitong Miyerkoles, Enero 18, 2011.

“They arrived immediately after the roll call,” paglilinaw ni Ms. Josephine Codilla, Senate Journal officer sa personal na panayam kanina (Huwebes) sa Senado.

Samantala, sa ikaapat na araw (Huwebes) ng pagpapatuloy ng trial kay Corona, absent pa rin sina Sen. Miriam Santiago at Loren Legarda.

Nitong Lunes, nagpasabi si Santiago na hindi siya makadadalo sa pagbubukas ng impeachment proceedings sa pamamagitan ng isang sulat kay Senate President Juan Ponce Enrile dahil masama ang kanyang pakiramdam.

Samantalang si Legarda ay nasa abroad at personal na nag-aalaga sa kanyang yaya na kinilala na niyang pangalawang ina makaraang operahan sa bituka.

Nabatid na ang leave of absence ni Legarda ay hanggang Enero 19, 2011 na lamang at inaasahang makadadalo na ang lady solon sa pagpapatuloy ng proceedings sa Lunes, Enero 23 pati na rin si Sen. Santiago.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply